PANGMATAGALANG SOLUSYON SA KRISIS SA LANGIS, IPINANAWAGAN NG NCCSP

Posted on 04/15/2026
|

Panandaliang lunas lamang ang ibinibigay ng pamahalaan sa kasalukuyang krisis sa langis, sa halip na tugunan ang ugat ng problema.

Ayon kay Elvira Medina, Chairperson ng National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP), matagal nang may potensyal ang Pilipinas na magkaroon ng sariling pinagkukunan ng petrolyo at natural gas, ngunit hindi ito lubos na napauunlad dahil sa kakulangan ng tuloy-tuloy na exploration.

Kinuwestiyon din niya kung bakit tila itinigil ang mga ganitong hakbang, gayong maaari itong makatulong na mabawasan ng pag-asa ng bansa sa inaangkat na langis.

Binigyang-diin ni Medina na kung matutugunan ang ugat ng problema, mas magkakaroon ng pangmatagalang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

#dwiz #dwiznews #aliw23 #NagbabalitangTamaNaglilingkodNangTama #BiyahengIZ