Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at araw-araw na gastusin, maraming TNVS drivers ang napipilitang humanap ng ibang pagkakakitaan.
Ayon kay Jun De Leon, President ng Laban TNVS, may ilang driver na ngayon ay nagtitinda na ng pagkain para may panggastos sa pamilya. May iba naman na lumipat bilang personal driver upang magkaroon ng mas tiyak na kita.
Mayroon ding mga dating TNVS driver na pumasok sa construction work upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Patuloy naman ang panawagan ng mga driver na mabigyan ng mas maayos na solusyon sa krisis sa transportasyon at mataas na presyo ng petrolyo.
#dwiz #dwiznews #aliw23 #NagbabalitangTamaNaglilingkodNangTama #BiyahengIZ