Magiging panibagong pasanin ngayon sa mga tsuper ng traditional jeep ang kinakailangang paglalagay ng GPS upang makasali sa ipatutupad na service contracting program ng pamahalaan.
Ayon kay Boy Vargas, President ng ALTODAP, bagama’t kailangang nakarehistro ang mga unit at may GPS para makasama sa programa, malaking hamon ito lalo na sa mga tradisyunal na jeep na wala pang ganitong sistema.
Kung ikukumpara, wala umanong problema ang mga modern jeepney dahil mayroon na silang built-in na GPS.
Hiling ni Vargas na mapababa ang bayarin sa GPS sa humigit-kumulang limandaang piso kada buwan, isang halaga na sinasabing mas kakayanin ng mga tsuper at operator.
#dwiz #dwiznews #aliw23 #NagbabalitangTamaNaglilingkodNangTama #BiyahengIZ