PANOORIN: ATTY

Written on 04/15/2026
DWIZ 882

PANOORIN: ATTY. HARRY ROQUE, SINOPLA NI USEC. CLAIRE CASTRO UKOL SA KALUSUGAN NI PBBM

Sinagot ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang panawagan ng ilang kritiko para sa transparency sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Castro, maging sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon ding mga pagkakataong hindi inilalabas ang detalye ng kalusugan ng mga nakaupong lider, kasabay ng paggiit na may umiiral na privacy at protocol sa ganitong usapin.

Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa mga panawagan ng ilang kritiko kabilang si Atty. Harry Roque kaugnay ng transparency hinggil sa kalusugan ng Pangulo, kasunod ng pagbasura ng Malacañang sa mga kumakalat na alegasyon na may malubhang karamdaman si Marcos.

Binanggit din ni Castro ang isang jurisprudence o dating desisyon ng Korte Suprema ukol sa kaparehong usapin.

Giit pa ng Palasyo, nananatiling maayos ang kalusugan ng Pangulo at patuloy na ginagampanan ang kanyang mga tungkulin sa pamahalaan. | via Gilbert Perdez (Patrol 13)



(Feed generated with FetchRSS)