SCP NG GOBYERNO, PAGMUMULAN LANG NG AWAY NG MGA DRIVER AT OPERATOR SA RUTA — PISTON

Posted on 04/14/2026
|

Pagmumulan lang ng away para sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng mga driver at operator sa ruta ang ipapatupad na Service Contracting Program (SCP) ng gobyerno.

Ayon kay Mody Floranda, National President ng PISTON, hindi lahat ng driver ay magiging miyembro ng nasabing programa dahil ilang units lang umano ang isasali sa programa para sa isang ruta.

#dwiz #dwiznews #aliw23 #NagbabalitangTamaNaglilingkodNangTama #RondaPilipinas