PASANG MASDA, IGIGIIT PA RIN ANG TAAS-PASAHE SA JEEP KAHIT MAY ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO

Posted on 04/13/2026
|

PASANG MASDA, IGIGIIT PA RIN ANG TAAS-PASAHE SA JEEP KAHIT MAY ROLLBACK SA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO

Igigiit pa rin ng transport group na Pasang Masda ang dagdag pasahe sa mga jeepney kahit may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Pasang Masda President Ka Obet Martin, kailangan ng mga tsuper ng taas-pasahe dahil tumatagal lamang ng ilang araw ang mga ayudang ibinibigay sa kanila ng pamahalaan.

"Kailangan namin 'yong taas pamasahe, sapagkat ito po yong ika nga hindi nauubos," saad ni Ka Obet.

#dwiz #dwiznews #aliw23 #PasadaBalita